Batid Namin: Tugon sa Supremo

O batid namin ‘to mahal na Supremo
Ngunit bulag pa rin kaming mga tao
Wari namin yaong liwanag
May tabing naman, dilim at kaulapan.

Walang kapanatagan sa mamamayan,
Mga daing umaalingaw-ngaw,
Mga buntong-hininga’t hinagpis ng ulila,
Rinig pa rin, katahimika’y wala!

Lunod din sa luha, kay lupit ng sugat,
Hapdi ng tadhana, kumukulong tila tingga

Kay liwanag ng dilim, O aming Supremo
Saan ang Katwiran sa panahong ganito?
Kami’y ligaw na’t di wari ang landas
Kamatayan lang ang tanaw
Dito’y madilim, liwanag ay utas!

Mga gintong asal ay salat o wala
Sa kasakiman kami’y nakatanikala
Tiwala sa sarili, pag-asa’y mahina
Watak-watak, kanya-kanya, di na magkaisa!

O Kailan lilipas ang dilim, kailan liliwanag muli?
Liwanag na ‘yong gabay ay saan
Nang ka’y lumaban, inalay ang buhay!

Tapang mo’y ibigay, Supremong mahal,
At kami’y samahan
Na pumiglas muli dito sa kadiliman!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s